Linggo, Pebrero 17, 2013

...


Tubbataha Reef



Ang Bahura nang Tubbataha ay isang pulong batuharang na binubuo ng mga kural o batong-bulaklak na matatagpuan sa Dagat Sulu ng Pilipinas. Isa itong santuwaryong-dagat na pinangangalagaan ng Pambansang Marinang Liwasan ng Bahurang Tubbataha. Naging nominado ito para sa pagiging "bagong pitong kahanga-hanga sa kalikasan."

Ang Tubbataha Reef Marine Park ay sumasaklaw sa 33,200 ektarya kabilang ang hilaga at timog reef.
Dahil sa mga iba't iba na natuklasan Tubbataha sa huli 1970s, ito ay naging kinikilala bilang isa ng ang pinaka-kahanga-hangang coral reef sa ating planeta. Ang travel website ng CNN, cnngo.com, nagra-rank ito ay kabilang sa mga tuktok na walong dive site sa mundo.

Malamang hindi makulong ang mga crew member ng barkong USS Guardian ng United States Navy na sumadsad sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea  noong nakaraang buwan.
Ito ang ipinahayag kahapon ni Department of Transportation and Communications Secretary Joseph Abaya na nagsabi pa na isang pangkalahatan nang praktis sa pandaigdigang batas na nagbibigay ng immunity sa mga dayuhang barko.
Mga yamang saklaw nang bahura.
“Mapanlinlang ito dahil isa nang tanggap na paniniwala at praktis, sa international law, general practice ng international law, na ang mga men of war, foreign naval vessel, ay merong immunity, lalo na kung merong line of duty,” sabi pa ni Abaya sa isang panayam kasabay ng pagdiriwang dito ng Philippine Military Aca­demy Alumni Homecoming.
Sa ilalim ng Republic Act 10067 na nagtatakda ng patakaran sa Tubbataha Reefs Natural Parks, ang mga lalabag dito ay makukulong nang hanggang isang taon at pagmumultahin ng mula P100,000 hanggang P300,000.
Gayunman, sinabi ni Abaya na ganap na ipapatupad ang batas sa kaso ng mga crew ng USS Guardian.
Samantala, binigyan ng dalawang buwang  pa­lugit ng Task Force Tubbataha  ang sumadsad na  barko ng US Navy para tuluyang maialis ito sa Tubbataha Reef.


Ayon sa DOTC Chief, hanggang sa buwan ng Marso pa ang ultimatum na kanilang ibinigay para sa USS Guardian at pinakagrabe nang mangyayari ay kung hindi pa ito maiangat at makuha sa Tubbataha Reef.
Mga pinsala nang  nasabing barko
Samantala, sinabi pa ni Abaya na sa kasalukuyan ay hindi pa nila mataya ang kabuuang pinsala sa mga coral reefs sa Tubbataha Reef kung saan tiniyak nito na magbabayad ang US Navy tulad ng nauna nitong pangako.
Magugunita na su­madsad ang USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero 17  ng taong ito matapos na ikansela ang port call visit sa Puerto Princesa City, Palawan at patungo na sana sa Indonesia.